NAKAMIT ni Philippine Olympic Committee president ( Rep.) Abraham ‘Bambol Tolentino ang panibagong mandato matapos siyang maihalal ng mayoryang miyembro ng national sports association heads 30-22 sa ginanap na POC elections Biyernes ng hapon( Nobyembre 27) sa East Ocean sa Pasay City.
Si Tolentino na pinuno ng Phil Cycling ay kumbinsidong tinalo ang kontender na si Clint Aranas ng Archery.
Muli ding nahalal si Steve Honiveros ng Handball bilang chairman nang maungusan nito si Triathlon top honcho Tom Carrasco, 28-25.
Wagi naman sina Al Panlilio ng Samahang Basketbol at Richard Gomez ng Fencing bilang first at second vice president, 30-23 at 31-22 ayon sa pagkakasunod. Tinalo nila sina Philip Ella Juico ng Athletics at Ada Milby ng Rugby.
Inihalal namang treasurer si Cynthia Carrion ng Gymnastics kontra Julian Camacho, 27-22 habang nahalal namang auditor si Chito Loyzaga ng Baseball laban kay Monico Puentebella ng Weightlifting, 27-22.
Sina Jose Raul Canlas ng Rugby(36) Pearl Anne Managuelod ng Muay(31), Charlie Ho ng Netball (28) at Dave Carter ng Judo (27) ang naiboto sa Executive Board na angat kina Robert Bachmann ng Squash(24), Jeff Tamayo ng soft tennis (23), Robert Mananquil ng Billiards (21) at Prospero Pichay ng Chess (18). Sina Hontiveros at Ho lang ang lumusot sa tiket ni Aranas.
Ipinahayag ng Cavite 8th District Representative ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa patuloy na tiwala sa kanyang kakayahang mamuno at nanawagan na siya ng tunay na pagkakaisa para sa kapakanan ng sports sa bansa at upang maiangat ang estado ng Pilipinas sa mapa ng sports sa mundo.
Kanya ring ipaprayoridad ang kalinga sa atletang Pinoy di lamang sa mga Olympic bound athletes kundi sa lahat ng miyembro ng pambansang koponan.
Game na at go for gold sa Tokyo Olympics na raratsada sa Agosto 2021 at ang pagdepensa ng titulo ng Pilipinas sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games sa Nobyembre -Disyembre ng sunod na taon… ABANGAN!!! Ang panalo ni Bambol ay victory for all… MISMO!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!