Ipinahayag ng POC na naka-iskedyul na bakunahan sa Biyernes ang mga Pinoy athletes. Lalo na ang sasalang sa Tokyo Olympics at 31st SEA Games.
Ayon kay POC president Bambol Tolentino, idaraos ang vaccination sa Manila Prince Hotel.
“Pasalamat po tayo at napagbigyan tayo ng IATF.” ani Tolentino sa weekly PSA Forum webcast.
Ang pagkakaloob ng vaccine sa mga atleta ay atas ng Palasyo. Na isinama sa ‘A4 Priority” ang mga atleta na bigyan ng bakuna. Lalo na ang magiging delegado ng bansa sa ilang prestigious sports event ngayong 2021.
“Maganda ito dahil safe ang ating mga athletes. Saka, magiging qualified sila sa mga events. Para tayong nabunutan ng tinik,” saad ng ahensiya.
Naalarma ang POC sa pahayag ng SEA Games Organizing Committee na ‘no vaccine, no participation policy”.
Kaya, tamang-tama lang ang hiling nila sa pamahalaan na ilagay sa priority list ang mga atleta. Gayundin na mabigayan agad ng bakuna.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!