HINDI na ito maaaring ipagpaliban. Tuloy ang Philippine Olym pic Committee (POC) election ayon sa nakatakdang petsa sa Nov. 27.
Ayon kay POC president at Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino , tinanggihan ng executive board ang motion ni weightlifting chief Monico Fuentevelia na ipagpaliban ang election sa susunod na taon.
“The motion was unanimously disapproved as it requires ammendments to the POC constitution and by-laws,” wika ni Tolentino matapos ang POC executive board meeting nitong Martes na nakasentro ang detalye sa darating na POC poll.
Binigyang- diin ni Tolentino na ang panukala ay kailangan aprubado ng 13-man executive board at ng general assembly, na binubuo lahat ng 51 National Sports Associations( NSA’s) na kinikilala ng POC.
” There’s not enough time to tackle it,” ani Tolentino, na tatakbo para sa fresh four-year term hanggang sa 2024 Paris Olympics. Tinalakay din sa executive board meeting via Zoom ang posibleng kapalit ni Valenzuela City Rep. Eric Martinez sa three-man election committee (Comelec) na inatasan na mamahala sa eleksiyon.
Isa sa napisil si UP president Danilo Concepcion o UAAP com missioner at lawyer Rebo Saguisag kapag si dating Internatio- nal Olympic Commit- tee member Frank Elizalde ang gaganap na chairman ng Comelec at arbitra- tion lawyer si Teodoro Kalaw lV bilang member.
Makakatunggali ni lawyer Tolentino si Archery head Clint Aranas para sa pampanguluhan.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino