January 23, 2025

POC ELECTION COUNTDOWN: LIYAMADO ANG TROPANG BAMBOL

Isang buwan mula ngayon, idaraos ang isa sa pinaka-mahalagang kaganapan para sa larangan ng sports sa bansa- ang halalan para sa bagong mandato ng mga opsyal ng Philippine Olympic Committe( POC).

Magtutunggali para sa pinakamataas na puwesto bilang pangulo sa eleksiyong idaraos sa Nobyembre 27, 2020 sina incumbent POC president ( Rep.) Abraham ‘Bambol Tolentino ng Phil Cycling at Clint Aranas ng Archery.

Tinatayang malaki ang bentahe ng kasalukuyang pangulo dahil may napatunayan na itong mahusay ang liderato kung kaya ang maikling panahon pa lang niyang panunungkulan ay nais pang palawigin ito ng mayorya sa olympic family .

Sure win ang tropang Bambol sa POC dahil walang itatapon kung sa kwalipikasyon at performance lang naman ang pagbabasehan”, pahayag ng isang konsernadong lider ng national sports association na humiling na huwag nang pangalanan.

Ka-tiket ni Cong. ‘Bambol’ ang kanyang mga alas sa line-up na sina Tom Carrasco (Triathlon Association of the Philippines) para sa posisyong Chairman, for First Vice President si Al Panlilio (Samahang Basketbol ng Pilipinas) at para Second Vice President naman si Ormoc City Mayor Richard Gomez (Philippine Fencing Association at Philippine Modern Pentathlon Association).

Nasa Tropang Bambol din sina Cynthia Carrion (Gymnastics Association of the Philippines) para Treasurer at si Chito Loyzaga (Philippine Amateur Baseball Association) para Auditor. Takbo naman para sa posisyong Director sina Pearl Managuelod (Muay Thai Association of the Philippines) Dave Carter (Philippine Judo Federation), Dr. George Canlas (United Philippine Surfing) at Cong. Prospero Pichay (National Chess Federation of the Philippines).

 “This is the lineup we want for the POC under the new normal”, pahayag ni Tolentino.

 “We aim for good governance and a trusted team of the Philippine Sports Commission and the private sector.Kailangang may trust so we can ask for their assistance when needed”.

Sa maikling panahon ng liderato ng mambabatas mula sa 8th District ng Cavite sa POC ay may makasaysayang achievements na ito tampok dito ang overall championship ng Pilipinas noong 30th SEAGames Philippines 2019— at sa pagpatuloy ng kanyang mandato ay ‘mission possible’ nito ang unang Olympic gold ng atletang Pilipino sa Tokyo Olympics 2021 na kanyang magiging legasiya at ni Pangulong  Duterte para sa Sambayanang Pilipino.

Babangga naman sa matibay na pader ang grupo ni Aranas at mga kasanggang bating nang sina Steve Hontiveros ng Handball , Philip Juico ng Athletics , Ada Milby ng Rugby at iba pang bagito sa performance. It’s all over na ba but the counting? ABANGAN!