December 25, 2024

PNVF, NAGHAHANAP NG KALIWETENG SPIKER PARA IKAMADA SA NAT’L TEAM

Hangga’t maaari, nais ng Philippine National Volleyball Federation ( PNVF) ang left-handed spiker. Sa gayun ay mapalakas ang atake ng national women’s volleyball team.

Nakatakdang sumalang ang team sa AVC Asian Women’s Championship at sa 31st Southeast Asian Games.

Ayon sa isang ranking PNVF official, iyon ang nais ni president Ramon “Tats” Suzara. Ito rin ang nagkatag ng ideya.

Aniya, isang major advantage sa nationals kung ang scorer ay isang let-handed. Ayon pa sa source, ikinumpara ng federation chie ang nagagawa ng isang kaliwete.

Ginawa na dati ito ng nationals sa mga nagdaang panahon. Kagaya noong kinuha ang lefty spiker mula sa Cebu na si Nene Ybañez.

Mas malakas at di agad na-anticipate ang palo ng kaliwete.

He said if we will have an opportunity, let’s go for a spiker who can attack using her left. With that, we can be more dangerous and unpredictable on offense.”

” Kapag ganun ang hinahanap, pwedeng isalang dyan ke bago o beterano. Pwede si Jovelyn Gonzaga. Si Aiza Maizo-Pontillas,” ayon sa source.

Si Mylene Paat sa mga left -handed ang isa sa volleybelle na nakabilang sa pool.