December 24, 2024

PNVF, INILATAG NA ANG 16-WOMEN INDOOR POOL

Inanunsiyo na ng Philippine Volleyball Federation (PNVF) ang 16 women na bubuo na national pool. Naging basehan ng PNVF ang skills at potential sa pagpili ng isang player.

Gayundin ang attitude at commitment sa national team.

We are presenting the men and women of Philippine volleyball who will do battle in two important tournaments later this year,” ani PNVF President Tats Suzara sa press conference.

Sa 16 players, 4 lang ang natira mula sa 30th SEA Games. Ito’y sina Majoy Baron, Eya Laure, Mylene Paat at Aby Marano.

Balik naman sa national team naman si Jaja Santiago. Ang kabilang pa sa women’s indoor pool ay sina Iris Tonelada at Kamille Cal (setters).

Sa mga outside hitters naman ay sina Ivy Lacsina, Mhicaela Belen at Faith Nisperos. Ang middles naman ay sina Ria Meneses, Dell Palomata at Imee Hernandez.

Ang mga liberos naman ay sina Bernadette Pepito at Jennifer Nierva. Lahat ng players ay naging bahagi ng tryouts sa Subic noong April 28.

Ayon naman sa coaching staff, kulang pa ng 4 ang players na bubuo sa 20-pool.

Ang pools ay magsisimulang magtraining sa June para sa Asian Seniors Women Volleyball Championship.