December 24, 2024

PNVF, DUMEPENSA SA DI PAGSAMA KINA VALDEZ AT MORADO SA NAT’L POOL; “THERE’S NO POLITICS”

Inihayag ni PNVF President Tats Suzara na walang nangyaring politika sa pag-asembol ng women’s national team. Lalo na sa hindi pagkakasama nina Alyssa Valdez at Jia Morado ng Creamline Cool Smashers.


Bukod sa dalawa, may iba pang di napasama. Kaya, nakatanggap ng kritisismo ang sport body. Aniya, nais ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito ang batang players. Ito aniya ang peg nito sa pagbuo ng bagong programa sa volleyball.


“There’s no politics. We don’t want to have politics in volleyball. We are trying very hard to make this happen,” ani Suzara sa panayam ng Power and Play.


“In my first few days as president of the federation, when I presented my 10-point strategy. My first slogan was I want to change the landscape of volleyball in the Philippines in this presidency and this new federation,”aniya.