HATAW ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pag-arangkada ng Challenge Cup na lalahukan ng eksplosibong 37 koponan—20 men at 17 women—na raratsada sa Lunes (Nobyembre 6) sa Rizal Memorial Coliseum.
“This is the biggest local volleyball tournament that will help highlight the season-long activities of the federation,” wika ni Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng PNVF. “And with such a big turnout, we’ll be having dozens of matches for almost three weeks of the competition.”
Titikada ang Challenge Cup mula Nob. 6 hanggang 9 at 13 to 19 habang ang quarterfinals itnakda sa Nob. 20 (men)at 21 (women), semifinals sa Nob. 22 at finals sa November 23.
Orihinal na laan para sa tanging local government unit (LGU)-based, ang Challenge Cup, ani Suzara ay nakaanyaya ng school teams at clubs sa buong kapuluan..
“This shows how active volleyball is in the developmental, LGU and school level,” ani pa Suzara. “Volleyball could now rank as the No. 2 team sport in the country after basketball.”
Kumpirmado sa paglahok sa men’s division ang mga sumusunod;Plaridel (Quezon), Orion (Bataan), University of Batangas, University of Santo Tomas, Rizal Technological University (RTU)-Basilan , Savouge, Cignal, Davao City, Iloilo D’Navigators, VNS, Volida, Philippine Navy at Tacloban City at mga school teams na Arellano University, University of the East, Jose Rizal University (JRU), Santa Rosa City, National University, Emilio Aguinaldo College and Marikina City.
Davao City, University of Batangas, Arellano University, Volida, Tacloban City, JRU and RTU-Basilan are Hahataw sa women’s division ang Parañaque City, Philippine Air Force at Tagaytay City.
Collegiate squads mula De La Salle University-Dasmariñas, San Beda University, University of the Philippines (UP), UP Volleyball Club, De La Salle College of Saint Benilde, Lyceum of the Philippines University-Batangas and Colegio de San Juan de Letran ang kukumpleto sa women’s category.
Susundan agad ang Challenge Cup ng season-ending Volleyball World Beach Pro Tour Challenge na tatampukan ng pangunahing beach volleyball teams sa mundo na nakatakda sa huling bahagi ng kasalukuyang buwan sa Santa Rosa, Laguna.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA