October 27, 2024

PNVF, BABAGUHIN ANG LINE-UP NG MEN’S AND WOMEN’S VOLLEYBALL TEAM

The PH volleybelles huddle around coach Jorge Edson Souza de Brito (fifth from left) during a losing match against Indonesia.—PHOTO FROM ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

Balak ng PNVF na baguhin ang men’s at women’s national volleyball teams. Ito ay  dahil sa bigong kampanya sa nagdaang 31st SEA games sa Vietnam. Gagawin ang overhaul sa teams sa Hunyo.

Target nito na makakamada ng young bloods bilang pagpapatuloy sa misyon ng bansa. Gigil ang Pilipinas na makasungkit ng gold medal sa biennial meet. Ayon kay PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara, hindi ang mga coaches ang problema.

Kundi, ang mga players mismo ng Premier Volleyball League (PVL). Mabuti pa aniya ang inalagaan nilang beach volleyball team. Kung saan, nakapag-uwi ang mga ito ng 4 bronze medals. Pero, malamya ang laro ng team sa mas tanyag na indoor games.

Balak din ng ahensiya na patakbuhin ang team na wala nang commitment sa iba. Sa gayun ay maka-focus sila sa pagpapalakas ng team. Ang dapat aniyang isama sa team ay ang mga bata at mas matatangkad na players.Sa gayun ay matantiya nila ang laro sa international game.