December 24, 2024

PNR tigil-operasyon.. Daan-daang manggagawa mawawalan ng trabaho

Nananawagan sa pamahalaan ang daan-daang manggagawa sa PNR na mawawalan ng trabaho dahil sa pagtigil ng operasyon sa Marso 28.

Paliwanag ni Edgar Bilayon, ang presidente ng Unyon ng mga Mànggagawa sa PNR na welcome sa kanila ang  modernisasyon ng Philippine National Railways lalo na at magdudulot ng mas mabuting serbisyo sa mga mamamayan.

Gayunman sinabi ni Bilayon na labis na maaapektuhan ang mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil matitigil na ang operasyon ng PNR

Sa Marso 27 aniya ang huling biyahe ng PNR sa Metro Manila para bigyang daan ang pagtatayo ng North South Commuter Railway project.

“Kung sa Union, the Union welcome the project of the government to develop our railways, this will give better services to the people, however ; one sector that will be drastically affected will be the employees of PNR who will be separated from the service as PNR will be stopping its NCR operations this coming March 27 to give way to the construction of the elevated railway , the North -South  Commuter Railway,” sabi ni Bilayon.

Panawagan nila sa pamahalaan na  tulungan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng employment opportunities sa ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Karamihan aniya ng apektado ay mga J-O o Job Orders na nagtrabaho ng mga ilang taon sa PNR, kaya, hiling ng unyon sa pamahalaan na tulungan ang mga apektadong sa kahit anong paraan. “Since this is a government project,  ang panawagan sa Gobyerno ay tulungan ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng employment opportunities sa ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Karamihan ng apektado ay mga Job Orders na nagtrabaho ng mga ilang taon sa PNR. Hundreds of employees will lose their jobs so our Union is appealing to the government to help them in any form,” ani  Bilayon.