SINIGURO ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, na tutulong ang mga pulis para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga botanteng gustong magparehistro para sa gaganapin na 2022 National and Local elections.
Ginawa ni PGen.Eleazar ang pahayag matapos na magdesisyon ang Commision on Elections o Comelec na palawigin ang registration hours para tumanggap ng mas marami pang tao na gustong magparehistro sa gaganaping botohan sa gitna ng may umiiral na pandemya.
Nagpalabas naman ng bagong schedule ang Comelec na sinabing mula araw ng Lunes hanggang Sabado ay magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi na sisimulan ngayon darating na August 23. Bukas din ang mga tanggapan ng Comelec kahit na holiday para sa mga gaganaping voter registration.
Sinabi din ni PGen. Eleazar na, “Handa ang PNP na magbigay ng seguridad para sa voter registration. Bahagi ito ng aming responsibilidad tuwing election season na tiyaking maging maayos at matiwasay ang lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa halalan, mula sa registration ng mga botante hanggang sa pagdeklara ng mga nanalo.”
“Ngayong kakaiba ang ating sitwasyon, kailangan din siguruhin ng PNP na nasusunod ang minimum public health safety standards at quarantine protocols sa mga registration sites,” dagdag pa nito.
Inatasan na rin ni PGen. Eleazar, ang mga pulis na agad makipag-ugnayan sa mga Local Government Units o (LGU) para naturang paksa at aktibidades at pina-a-lalahanan na rin niya ang mga police commanders na tiyakin ang kanilang mga ipinapatupad na strategic balanced deployment ng kanilang mga police personnel at isa na rito ang pagbabantay sa seguridad ng mga vaccination sites. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA