NAIMBITAHAN bilang panauhing pandangal si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office 4A sa pamumuno ni P/BGen. Jose Melencio C Nartatez, Jr. na ginanap sa PRO4A Grandstand, Camp BGen Vicente P Lim sa lungod ng Calamba, lalawigan ng Laguna.
Binigyang papuri ni Ruiz ang pulisya sa PRO-4A dahil sa kanilang matagumpay na serye ng manhunt operations upang mahuli ang mga most wanted person at ang kanilang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.
Nangako rin si Ruiz na laging susuportahan ang PNP sa kanilang adhikain na mapanatili ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa bansa.
Bilang panauhing pandangal, pinangunahan din ni Ruiz ang paggawad ng “Medalya ng Kadakilaan”, “Medalya ng Kagalingan” at “Medalya ng Kagalingan” sa mga PNP personnel para sa kanilang mahusay na serbisyo at matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad sa rehiyon.
Kabilang sa binigyang ng Medalya ng Kadakilaan ay sina: PCOL Julian T Olonan, PCAPT Juan Carlo A Porciuncula, PCpl Joshua Ivan P Baltazar, PCpl Dexter D Camaclang, PCpl Wilfredo R Villanueva Jr. at Pat Mark Niel C Peregrino.
Tumanggap naman ng Medalya ng Kagalingan sina: PLTCOL Charles Daven M Capagcuan, PCPT Ed Richard P Pacana, PCPT Alice Y Atienza, PSMS Jude L Camitan, PCpl Paul Andrew C Mercado, PCpl Joseph S Bugaa, PCpl Darwin M Avelino, at Pat Nixon C Mabasa.
Habang Medalya ng Papuri ang tinanggap nina: PMAJ Silver S Cabanillas, PCpl Ralph Alexir D Pacursa, Medalya ng Pagkilala, PSSg Sherwin A Carandang at Pat Napoleon M Ancheta.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA