November 5, 2024

PNP planong magdagdag ng mga body camera na gagamitin laban sa krimen

Balak pa umanong bumili ng karagdagan na 30,000 piraso ng body worn camera ang Philippine National Police para ipagamit sa mga istasyon ng pulisya at sa mga unit nito na gagamitin bilang tugon sa mga isinasagawang anti-crime operations ng PNP.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, na ang 2,696 body cams ay naipamigay na sa iba’t ibang mga police stations at mga unit nito sa mga pangunhing siyudad sa bansa.

Aniya ay kakailanganin pa umanong magdagdag ng 32, 136 units para mabigyan din ang mga support units upang makompleto na rin ng PNP ang requirements na 34, 832 unit ng body camera. Sinabi rin ni Eleazar na sa ngayon ay wala pang nakalaang pondo para sa pagbili ng karagdagan ng mga ito kaya gagamitin muna nila ang kung ano ang meron sila upang makumbinsi ang mga mambabatas na magbigay ng karagdagan pondo para sa pagbili ng mga body camera para sa PNP at bilang patunay na rin sa patas at epektibong pagpapatupad ng batas.

Naniniwala din si Eleazar na matutupad ang paggamit ng mga body camera sa panahon ng kanyang panunungkulan. Sinabi rin niya na ang mga body cams na gagamitin ng mga pulis ay para sa mga ipag-u-utos ng korte tulad ng pagsisilbi ng mga search warrants upang maiwasan na umano ang mga nangyayaring iregularidad sa mga ganitong operasyon.

Kinausap na din aniya siya ng Supreme Court tungkol sa paggamit ng mga body camera sa pagsisilbi ng search and arrest warrants sa naganap na meeting nuon nakaraang buwan sa pagitan ng PNP at ng Kataas-taasang hukoman para  talakayin ang iba pang mga bagay tungkol sa nasabing proyekto. Naghihintay na lamang ang PNP ng ibabang guidance and protocols sa paggamit ng mga camera para maiwasan na rin ang mga paglabag sa pribadong karapatan at mga legal repercussions. (Koi Hipolito)