Camp Crame Headquarters – Nagpa-abot ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dahil sa nangyaring pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa edad na 61 years old dakong 6:30 ng umaga nitong araw ng Huwebes sa Capitol Medical Hospital sa Quezon City, dahil sa mga sakit na tulad ng renal disease na may kinalaman din sa kanyang diabetes at heart condition na kinumpirma naman ng kanyang mga kapatid na babae.
Sinabi ni PGen. Eleazar nj bilang dati nilang Commander-In-Chief si Aquino ay mahalaga ang ginampanan na papel nito bilang dating presidente para sa ginagawang pagbabago at pagpapa-unlad ng operational capability ng PNP para na rin makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga Pilipino at pagpapanatili ng peace and order sa ating bansa.
Pahayag pa ng PNP Chief na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa 220,000-strong Philippine National Police (PNP) ay nakikidalamhati at taus-puso silang nakikiramay sa pamilya Aquino. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA