ITINANGGI ng Philippine National Police na nagkaroon ng tangkang pagpatay laban kay Magsasaka Party-List nominee at dating commanger ng Alex Boncayao Brigagde, Lejun dela Cruz, na natagpuan na matapos mapaulat na nawawala noong Linggo.
“Wala pong katotohanan na there was an assassination attempt against the life po nitong si Mr. Dela Cruz but on the contrary, siya pa po ang namutok at siya pa po ang nanagasa,” ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo.
Natagpuan ang Magsasaka Partylist nominee matapos umanong bugbugin ng pulis at nakipagbarilan.
Sinabi ni Fajardo na ang nangyari ay isang lehitimong operasyon ng pulisya upang isilbi kay Dela Cruz ang dalawang warrant of arrest para sa pagpatay at siya ang unang naglabas ng kanyang baril. “No’ng ise-serve po ‘yong warrant of arrest sa kanya ay tumakbo po ito at bumunot po ng baril. Sumakay po sa kaniyang sasakyan at hinabol po ng ating mga kapulisan,” dagdag niya.
Sa nangyaring habulan, nabangga ng sasakyan ni Dela Cruz ang apat na iba pang sasakyan kabilang ang motorsiklo.
Nakaratay sa ospital ang isang pulis matapos magtamo ng fractured pelvic.
Ayon kay Fajardo, matapos ang habulan, nakorner ng mga pulis si Dela Cruz at binasahan ng kanyang Miranda rights.
“Maayos siyang kinausap no’ng mga pulis natin, binasahan siya ng kaniyang miranda rights, na siya ay may karapatan na kumuha ng abogado at sagutin ang mga reklamo sa kaniya,” ayon kay Fajardo.
Ayon pa sa opisyal, hindi naka-uniporme ang mga pulis sa upang maiwasan na makompromiso ang kanilang operasyon.
“Normal po, ang mga kooperatiba naman po, kapag nagkakaroon tayo ng mga discrete police operation, remember this is a service of warrant. Kapag malayo pa lang ay naka-uniporme na ‘yan ay masusunog na agad po ‘yong trabaho. What is important is no’ng siya ay inaresto ay nagpakilala ‘yong ating mga police at meron din pong backup na naka-uniporme po ‘yan,” saad ni Fajardo.
Si Dela Cruz ay dating commander ng Alex Boncayao Brigade, na ayon sa PNP, ay sangkot sa gun-for-hire activities.
Kabilang sa nakuha sa kanya ang isang .45 caliber pistol, at iba pang ebidensiya.
Nakapiit na ngayon si Dela Cruz sa Marikina Custodial Facility, na nahaharap sa patong-patong na kaso, kabilang ang frustrated homicide, paglabag sa gun ban, illegal possession of firearms, at multiple counts ng malicious mischief.
More Stories
Korte tinanggihan ang piyansa ng Bukidnon mayor sa kasong panggagahasa
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48
Agri chief nagdeklara ng food security emergency sa bigas