
TAYTAY, RIZAL — Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 17, 2025, bandang alas-9:00 ng umaga sa Smile Taytay Sports Complex, Taytay, Rizal, ang Launching of the Community Assistance, Safety, and Support Network (CASSN), na may temang “Building Trust and Safety Through Inclusive Policing,” isang programa ng Philippine National Police (PNP) na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa mga multikultural na komunidad sa bansa.
Nagsilbing host ang Rizal Police Provincial Office, sa pamumuno ni Police Colonel Felipe B. Maraggun, Provincial Director, sa ilalim ng pangangasiwa ng Police Regional Office 4A CALABARZON (PRO 4A) na pinamumunuan ni Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director, na kinatawan sa programa ni Police Colonel Melvin G. Napiloy, Acting Deputy Regional Director for Administration.
Bilang panauhing pandangal, dumalo si Police Major General Roderick Augustus B. Alba, Director for the Directorate for Police Community Relations (TDPCR), bilang kinatawan ni Police General Nicolas D. Torre III, Chief, PNP. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PMGen Alba ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
“Layunin nating bumuo ng isang ligtas, bukas, at responsableng lipunan kung saan ang bawat sektor ay may tinig at aktibong bahagi sa kapayapaan,” ani PMGen Alba.
“Hindi ito simpleng programa lamang — ito ay isang commitment para sa mas inklusibo at makatarungang pagpapatupad ng batas.”
Ang CASSN ay isang flagship program ng PNP na bahagi ng estratehikong tugon laban sa mga krimeng nakaapekto sa Filipino-Chinese at iba pang foreign communities, gaya ng kidnapping, extortion, at culturally motivated violence. Layunin nitong palakasin ang tiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng timely police response, proactive protection, at community engagement.
Pangunahing layunin ng CASSN:
- Magtatag ng mga operational CASSN hubs sa mga pangunahing lungsod gaya ng Manila, Quezon City, Cebu, Davao, at Taytay, Rizal;
- Maglaan ng espesyal na pagsasanay sa mga pulis sa mga wikang Mandarin, Hokkien, at iba pang foreign languages, gayundin sa cultural sensitivity at victim assistance;
- Magbuo ng formal partnerships sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Filipino-foreign communities;
- Magpatupad ng community outreach at social support programs na naaayon sa kultural na pangangailangan ng mga komunidad.
Hindi mangangailangan ng karagdagang pondo ang pagpapatupad ng programa, dahil ito’y ibabatay sa umiiral na Police Community Relations (PCR) structures. Ang mga training, impormasyon, at logistical support ay popondohan sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility (CSR) partnerships ng PNP at mga katuwang mula sa pribadong sektor.
Dumalo sa aktibidad ang mga lokal na opisyal, miyembro ng komunidad, religious groups, at iba’t ibang stakeholders na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa adhikain ng CASSN. Inaasahang magiging modelo ng community safety program ang CASSN na isusulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
More Stories
PH umaangat sa global competitiveness ranking, pero kulelat pa rin sa Asia-Pacific
Ang Dilemma ng Teacher Exodus sa Gitna ng Kakulangan sa Pagpapahalaga
DMCI Homes at MPower, nagsanib-puwersa para sa mas murang kuryente sa mga condominium