NAGBIGAY na ng utos si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ngayong araw para sa malaliman na imbestigasyon tungkol sa likod ng pagkamatay ng dalawang pulis na parehong anti-narcotics operatives sa Cabanatuan City.
Kinilala ang mga pinaslang na pulis na sina 1. Police Staff Sgt. Allan Capinpin, 43, at si 2. Aries Dichoso, 39 anyos kapwa miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa Cabanatuan City Police Station.
Ayon sa ipinadalang report sa opisina ni PNP Chief PGen. Eleazar, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang pulis sa loob ng bahay ni PSSgt. Capinpin, ng dalawang hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa hindi naplakahan na motorsiklo noong gabi ng Biyernes.
“I already ordered the RD, PRO3 to conduct a thorough investigation of this incident which resulted in the death of our two personnel. Part of the investigation is to determine the motive and the immediate identification of all people behind this,” pahayag ni Eleazar.
“On behalf of the men and women of the PNP, ipinapa-abot ko ang aking pakikiramay sa mga naulila nina Police Staff Sergeants Allan Capinpin at Aries Dichoso. Makakaasa ang kanilang mga mahal sa buhay ng aming aksyon para mabigyan sila ng hustisya,” dagdag nito.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang follow up operation and investigation ng mga pulis sa Region 3 sa pangunguna ni Regional Director PBGen. Val De Leon para makilala at madakip ang dalawang ‘di kilalang mga salarin at matukoy ang motibo sa nangyarin krimen.(KOI HIPOLITO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna