November 24, 2024

PNP-IAS TRANSFORMATION, CLEANSING PROGRAM MAS PINALAKAS

MAS pinalakas ang cleansing at transformation program ng pamunuan ng Philippine National Internal Affairs Services (PNP-IAS) laban sa mga tiwali at abusadong pulis.

Ang PNP-IAS ay pinamumunuan ni Inspector General Alfegar Triambulo at patuloy ang suporta sa hanay ng PNP na pinamumunuan ni PNP-Chief, Gen. Rodolfo Azurin.

Nabatid na si Inspector General Triambulo ay itinalaga bilang hepe  Ng PNP-IAS noong 2016 ni former President Rodrigo Duterte upang mapabilis ang pag-usad ng mga kaso sa PNP-IAS at maparusahan ang mga abusado at corrupt na pulis upang hindi pamarisan ng iba.

Sa datos ng PNP-IAS, umabot sa 17,000 na kaso ang kinakasangkutan ng mga pulis kabilang ang ilang opisyal. Ilan sa mga ito ay tinanggal matapos ang paglilitis sa tanggapan ng PNP-AIS.

Samantala kaugnay nito nabatid naman kay Police Colonel Bernardo Mendoza ng PNP-IAS sa Camp Crame na patuloy ang kanilang paglilinis sa kanilang hanay at ang paglilitis laban sa isinampang kaso sa mga tiwaling pulis.

Nagsasagawa din umano sila ng mga programa upang mapabilis at hindi maantala ang mga kaso ng isinampa ng mga sibilyan laban sa mga tiwali at abusadong pulis upang makamit ang katarungan at hustisya.