Handa na umano ang Philippine National Police (PNP) para sa deployment ng kanilang mga personnel para tumulong sa pagpapabilis ng pamamahagi ng vacine rollout sa buong bansa.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, na lahat umano ng mga police units at mga tanggapan nito ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga Local Government Units(LGU’s) sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.
Nag-utos na rin Department of Interior and Local Government Unit (DILG) Secretary Eduardo Ano, para sa deployment ng 35,145 police personnel para tumulong sa paghahatid ng mga vaccines sa buong bansa at para sa karagdagan 13,840 mga pulis para sa pagpapatupad ng minimum health safety protocols at bantayan ang seguridad sa mga pagdaraosan ng bakunahan.
Sinabi ni PGen. Eleazar, na handa na rin ang Medical Reserve Force para mapabilis ang inoculation process lalo na sa mga lugar na manga-ngailangan ng tulong.
“Ito ay matagal na nating napaghandaan bilang tugon ng PNP sa national vaccination program. Inatasan na natin ang lahat ng mga local police commanders na makipag-ugnayan sa ating mga LGUs para agad matugunan ang mga pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan, ito man ay sa seguridad o sa manpower na magtuturok ng COVID-19 vaccine sa ating mga kababayan,” Ayon kay PGen.Eleazar.
Dagdag pa niya na “Kasama po sa idedeploy ng PNP, bilang paghahanda sa national vaccine rollout, ang ating Medical Reserve Force. Handa na rin po lahat ng PNP assets, kabilang dito ang ating fast boats at helicopters, para sa pagdadala ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa,”
Paliwanag din niya “Para lang po itong operasyon natin sa panahon ng eleksyon partikular ang paghahatid ng mga ballot boxes at election paraphernalia sa iba’t-ibang mga lalawigan at sa mga pinakamalalayong lugar sa bansa.”
“Kailangan pong maiparating natin itong bakuna sa lahat ng mga residente, kahit doon sa pinakamalalayong lugar. Lahat po tayo ay kailangang maproteksyunan laban sa nakamamatay na coronavirus,” ani Eleazar.
Siniguro din ng PNP Chief na lahat ng ide-deploy na mga police personnels ay bibigyan ng mga protective gears, vitamins at mga food supplements para na rin sa kanilang proteksyon laban sa Covid-19. (Koi Hipolito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA