
MAYNILA – Handa na ang Philippine National Police (PNP) para muling ipatupad ang mahigit na health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila simula sa Lunes.
Ito’y matapos magdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang 15 dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 infections.
“Our mandate is to make sure that the restrictions are properly implemented. We will closely coordinate with the IATF and the LGUs (local government units) as well,” ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos.
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) noong Sabado ng 3,617 new infections, malaki ang itinaas mula sa 288 na panibagong kaso na naitala noong Disyembre 23, 2021.
Kinumpirma rin ng DOH ang 10 bagong kaso ng Omicron variant, kung saan tatlo ang tuluyang gumaling.
More Stories
PINOY PATAY SA NAKAKAKILABOT NA PANLOLOOB SA MILAN
ALTERNERGY, TUMANGGAP NG ₱3.3-BILYON PARA SA WIND PROJECT SA QUEZON
CONSTRUCTION WORKER, BINITBIT MATAPOS TUTUKAN NG BARIL ANG MAY-ARI NG BAHAY SA NAVOTAS!