November 18, 2024

PNP DISPILINARY MECHANISM  PARA SA MGA ABUSADONG PULIS, HIGPITAN – DELA ROSA

DAPAT paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang mga patakaran nito sa pagdisiplina sa mga abusadong pulis.

Ito ang iginiit ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senate committees on public order and dangerous drugs, local government, and finance joint hearing sa panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Act of 1990.

“Noong tayo ay naging PNP, naging purely civilian in nature. Civilian tayo. Sinunod natin iyong due process ng civilian entities at dito ngayon tayo nagkakaroon ng problema. Hindi na natin basta-basta makulong iyong tao natin. The most we can do is just restriction in camp,” ayon kay dela Rosa.

“Should the errant police officers insist on leaving the camp, the PNP’s hands are tied; otherwise, they will be accused of arbitrary detention,” dagdag niya.

Nabanggit din ni Dela Rosa ang 2021 case ng dating former police officer na si Jonel Nuezca, na naging laman ng mga balita matapos mag-viral ang kanyang video sa social media kung saan nasaksihan ng mga netizens ang brutal na pagpatay nito sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Naalala ng senador kung paano nagalit ang publiko sa tila mabagal na tugon ng PNP sa pag-aresto kay Nuezca.

 “Sasabihin nila, kaya abusado ang pulis dahil dito sa prevailing disciplinary mechanism natin. Ngayon, gusto natin palakasin iyong disciplinary mechanism ng PNP by empowering commanders, the disciplinary authorities, whatever level, na pwede niyang i-hold iyong kanyang tao na gumawa ng kalokohan, ikulong iyong tao na gumawa ng kalokohan regardless kung may na-file na kaso o wala,” ayon sa dating PNP chief.

Nang marinig ito, sinabi ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson at Executive Officer Alberto Bernardo na maaari nilang muling tukuyin ang mga paghihigpit para sa mga abusadong pulis na makulong sa kanilang barracks.

“Hindi nga siya nakakulong pero meron siyang confinement…Wala ngang kandado, walang rehas, pero [they] can be restrained,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Dela Rosa na ang pagbabalik sa mala-militar na disciplinary powers sa hanay ng pulisya ay maaaring pinakamainam, lalo na sa pag-aresto, confinging, o pagkulong sa mga umano’y abusadong pulis.

Hinimok niya ang Napolcom na makipagtulungan sa PNP sa pagrepaso sa mekanismo ng pagdidisiplina ng huli.

Sinikap ni Bernardo na bumuo ng isang teknikal na grupong nagtatrabaho sa bagay na ito kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, Napolcom, at Kongreso. Iminungkahi rin niya na palakasin ang PNP Internal Affairs Service, isang independiyenteng katawan na inatasang mag-imbestiga sa mga pulis na inakusahan ng paglabag sa procedures and regulations.

Noong 2022, iniulat ng PNP na  umabot sa 584 mula sa 2,645 errant police personnel nito ang na-dismiss sa serbisyo – 321 para sa kasong absent without leave, 421 sa illegal drugs, 15 sa pagkabigo dumalo sa courty duty, 20 sa violence against woment at iba ay dahil sa pagkakasangkot sa murder, homicide, vehicle theft, robbery extortion, rape, at iba pa.