Sisilipin ng Quad Committee sa Kamara ang paggamit umano ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma sa diplomatic channel ng Philippine National Police upang makapagpadala ng milyun-milyong pisong halaga sa kanyang dating asawa na noo’y nakatalaga sa Amerika.
Sa pagdinig ng quad com ay lumabas ang mga ebidwnsya kaugnay ng umano’y paggamit ng diplomatic pouch ng PNP upang makapagpadala ng malaking halaga kay Police Col. Roland Vilela.
Ang PNP diplomatic pouch ay ginagamit para sa opisyal na komunikasyon at suweldo ng attaché.
Sa interpelasyon ni Antipolo City Representative Romeo Acop kay dating Directorate for Intelligence Chief at dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ay lumabas na posible umano itong magamit sa personal na interes.
May mga pagkakataon aniya na kakailanganin ng dagdag na pera ng police attaché at maaaring idaan sa diplomatic pouch at maaari ring gawin ang personal transfer.
Hindi pa tukoy ng mega-panel kung para saan ang perang ipinadala kay Vilela at patuloy ang ginagawang pangangalap ng dokumento at impormasyon.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA