November 17, 2024

PNP, AFP PINAPURIHAN NI VP SARA SA PAGKAKADAKIP SA NPA LEADER SA MINDANAO

Pinapurihan ni Vice President Sara Duterte ang  Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagtulung-tulong upang maaresto ang lider ng New People’s Army o NPA sa Mindanao na si Eric Casilao noong Lunes.

Si Casilao ay sinasabing humahawak ng mahalagang position sa terrorist organization NPA na nagplaplano ng mga pag-atake sa tropa ng pamahalaan, imprastraktura, pag-atake sa sibillyan at mga komunidad, pagpaslang sa mga lider ng lumad at nangingikil sa mga mining company at agribusiness.

Marami  aniyang buhay nasakripisyo at nabalam ang pag-unlad sa mga komunidad dahil sa karahasan ng teroristang grupo.

Ang pagkakadakip aniya kay Casilao ay panimula pa lamang ng laban para sa hustisya sa mga biktima ng karahasan ng NPA na pinamumunuan ni Casilao sa maraming lugar sa Mindanao kabilang dito ang  Davao and Caraga.

Umaasa aniya siya na sa pagkakadakip kay Casilao na yaong mga napaslang ay makukuha ang hustisya.