Nai-cremate na ang mga labi ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ayon sa bunsong kapatid nito na si Kris Aquino.
Idinetalye ni Kris ang magiging plano hanggang sa paghahatid sa huling hantungan ng dating Pangulo.
Aniya, magdaraos ng misa para sa dating Pangulo sa Ateneo de Manila University sa araw ng Biyernes, June 25.
Sa araw ng Sabado naman aniya, June 26, ililibing ang mga abo ng dating Pangulo sa tabi ng puntod ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque.
Paliwanag ni Kris, “Ganun kasimple lang. Sana maintindihan niyo na we did not think it’d happen this soon. And we are just trying our best na hindi magkaroon ng super spreader event,”
Aniya, “He could have been lying in state in Malacañang but nirerespeto namin na hindi pa lahat ng tao sa Pilipinas ang nababakunahan so what we have decided as a family right now is that we know that there are people waiting outside.”
“We spoke about it. Our plan was really to take the urn of our brother with us pero bibilisan lang namin dito,” dagdag nito.
Magdaraos aniya ng isang oras na seremonya bilang pagkilala sa dating Pangulo sa Heritage Park.
“The rest of the plans ay ‘yun pa lang ang napapag-usapan namin. Pasensiya na hindi talaga namin ito inaakalang mangyayari. Nagulat talaga kaming lahat,” ani Kris.
Samantala, nagpapasalamat aniya ang kanilang pamilya para sa lahat ng nagpapadala ng pakikiramay.
Nagpasalamat din si Kris kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Maraming salamat sa Malakanyang dahil nag-reach out sila. Maraming salamat kay Presidente Duterte doon sa kaniyang nararamdaman naming sinseridad na pagco-condole sa pamilya namin. Thank you kay Executive Secretary [Salvador] Medialdea dahil he offered us everything that he wanted,” pahayag nito.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE