Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna – SINIBAK na sa pagkapulis ang itinuturong mastermind sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon ang Person of Interest na si Police Major Allan Avena De Castro, ito ang inanunsyo ni Calabarzon Police Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Tuhay Lucas, sa ginanap na Press Conférence sa loob ng Camp Vicente Lim nitong araw ng Huwebes.
Ayon kay Brigadier General Lucas, inaprubahan niya ang order of dismissal na may petsang January 16, 2024 laban kay De Castro, matapos ang ginawang masusi at malalimang imbestigasyon na ginawa ng Regional Internal Affairs (RIAS 4A) para sa kasong administratibo na Unbecoming of a Police Officer dahil sa mga nadiskubreng ebidensya na nagkaroon umano ng illicit and extramarital affair si De Castro at ang nawawalang si Camilon.
Dagdag pa ni Lucas na ang pagkakasibak sa serbisyo kay Major De Castro ay hiwalay na administrative action sa kinakaharap nitong kasong kriminal na may kinalaman parin sa pagkawala ni Catherine Camilon nuon October 13, 2023 na huling nakitang buhay sa isang mall sa Lemery, Batangas dala ang kanyang sasakyan na Nissan Juke na kulay silver at may plakang NEI 2990 para makipagkita umano sa isang kaibigan subalit hindi na muling nakita hanggang sa ngayon.
Samantala hindi parin nagpakita sa ikatlong pagkakataon si De Castro sa ginagawang preliminary investigation nuon araw ng Miyerkules January 17, 2024 sa Batangas City Provincial Prosecutors Office at ang driver/body guard nito na si Jeffrey Magpantay na mga pangunahing suspek kahit na sumuko ito nuon nakaraang linggo sa Balayan Municipal Police Station. Sinabi naman ni Ginang Rose Camilon na tuloy ang kanilang laban hanggang sa makita ang kanyang anak na si Catherine at makamit ang hinihinging hustisya. (KOI LAURA)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna