IPINAGHARAP ng kasong plunder ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Trillanes, ang kanyang reklamo ay base sa P6.5 na bilyong halaga ng mga kontrata sa iba’t ibang proyekto na naibigay sa amá ni Go na si Deciderio Go at kapatid na si Alfredo Go.
Base raw sa mga nakalap niláng mga dokumento, ang pagbibigáy ng kontrata sa mag-amang Deciderio at Alfredo ay nagsimulâ noong 2007 at lumakí pa ng hustó ang halagá ng mga kontrata nang maupô sa Malacañang si Duterte.
Naniniwala ang dating senador na kumpleto sa mga elemento ng plunder sa inihain niyang reklamo.
May hiwaláy pa na reklamong paglabág sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na inihain si Trillanes laban din kina Duterte at Go. Itinanggí na ni Trillanes na pamumulítika lamang ang motibo niya sa paghain ng mga reklamo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA