Dalawa sa players ng Golden State Warriors at isa sa Washington Wizards ang nagpositibo sa COVID-19. Ito’y inanunsiyo ng 2 team sa pagsisimula ng 2020-21 season workouts.
Sinabi ni Warriors general manager Bob Myers na ipinagpaliban muna nila ang individual player workouts. Sisimulan na lang nila ang work session sa susunod na linggo.
Hindi naman binanggit ni Wizards coach Scott Brooks ang player sa kanyang roster nagpositive sa coronavirus. Batay sa NBA’s health-and safety protocol, sinomang player ang nagpositibo,kahit hindi nakitaan ng sintomas ng virus; kinakailangang maghintay ito ng 10 days.
O kaya’y dapat 2 beses magnegatibo sa tests sa loob ng makgkahiwalay na 24 oras. Dapat ding bantayan ang individual workouts sa loob ng 2 o hiti pang araw, bago ito makabalik sa team.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK