Sinagot ng mga players ng Boston Celtics ang tsismis na hindi nila gustong kakampi si Tristan Thompson.
Ito’y matapos lumabas ang ulat tungkol sa isyu sa “The Mismatch podcast ni Kevin O’ Connor ng The Ringer.
Iniulat nito na ang Celtics big man ay tablado sa mga kakampi nito.
“Celtic big man is “not loved” in the team’s locker room due to numerous different reasons,” ayon kay O’ Connor.
Pinabulaanan naman nina Jaylen Brown at Kemba Walker ang tsismis. Agad silang sumagot sa ulat tungkol kay Thompson.
Nagpost si Walker sa Twitter na “we love TT” na may “cap” emoji pa. Nirepost naman ni Brown ang sabi ni O’Connor na pinost ng Hoops Central.
Hindi aniya totoo ito at malaking bagay sa team ang Canadian cager. Sapol nang mapunta sa Boston, si Thompson ay may average na 7.9 points at 8.4 rebounds per game
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!