Pinaghihinalalang nagpositive sa COVID-19 ang isang player ng Blackwater sa PBA bubble. Hindi na pinangalanan ang player at agad itong dinala sa New Clark City sa Capas. Tarlac.
Sa gayun ay masailalim siya sa quarantine. Sasailalim din siyang muli sa test habang sinusuri ang iba pa. Gayundin ang personnel na nagkaroon ng close contact dito.
Dahil sa insidente, ipinagpaliban muna ang laro ng Blackwater kontra NLEX kahapon. Gagawin na lamang ito sa ibang petsa.
“Kailangan munang ma-isolate ang buong team ng Elite. Para safe tayo,” saad ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Suspendido rin ang laro ngayong gabi ng TNT Tropang Giga at Northport. Ilalagay din ang buong team sa isolation. Nakalaro kasi ng Elite ang TNT noong Huwebes.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na