January 23, 2025

Plastik palit-pera sa Maynila | ALING TINDERA, INILUNSAD

Kuha mula sa Manila Public Information Office

LUMAGDA sa  kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Plastic Credit Exchange ng Hopex Environment Group Inc. para sa paglulunsad ng proyektong plastic-palit pera para sa mga sari-sari vendors noong Huwebes, ika-16 ng Hulyo.

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan para sa mga vendors sa pamamagitan ng pangongolekta ng plastic waste at upang tulungan ring mabawasan ang basura sa lungsod sa pamamagitan ng nga Material Recovery Facilities o MRF.

Ayon kay Department of Public Services (DPS) Director Kenneth Amurao, lahat ng uri ng plastic waste ay tatanggapin ng programa at mayroong kapalit na halaga.

“Yung mga basura o plastik na akala niyo ay wala nang halaga ay mabibigyan ng halaga sa programang ito. Lahat ng klase ng plastik ay tatanggapin katulad ng mga plastic sachets, single used plastics, sirang tabo o timba at kahit mga gulong pa,” payagag ni Amurao.

Binigyang-diin rin ni Amurao ang kahalagahan ng proyekto bilang pagsusulong ng tamang pagsisilid ng basura upang hindi ito bumara sa mga katubigan ng lungsod.

“Madadivert na natin ang mga ito mula sa mga estero, karagatan at landfill, makakadagdag pa sa ito sa iyong kita,” aniya.