ISINAGAWA ngayong araw ang “Planning Workshop on the Graduation of Non-Poor and Entry of New Poor in Pantawid Pamilyang Pilipino Program” kung saan nagbigay ng mensahe si Secretary Erwin T. Tulfo at Undersecretary for Operations Jerico Francis L. Javier.
“Nasa kamay po natin ngayon ang magiging kinabukasan ng mahigit isang milyong papasok na mga benepisyaryo. Hawak po natin ang buhay nila,” ayon kay Tulfo.
“You have the power to change the lives of these children… the power to change the lives of 4.4 million Filipinos,” dagdag pa ng kalihim.
Ang workshop na ito ang magbibigay-daan upang maihanda ang 4Ps Program Management Office para sa pag-graduate ng mga benepisyaryo na itinuturing na “non-poor” at pagpasok ng mga bagong benepisyaryong itinuturing namang “poorest of the poor”.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?