
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na ikabit ang mga plaka sa kanilang mga sasakayan sa kabila ng mga ulat na may mga may-ari ng sasakyan na tumanggi na ilagay ang kanilang plaka kahit ito ay na-release na.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, na ang motor vehicle ownership ay may kaakibat na maraming responsibilidad at isa na rito ang pagkabit ng plaka sa sasakyan agad-agad matapos itong ma-release.
“Sa pakikipag-ugnayan natin sa PNP, through their HPG, and even in our own operations, we discovered that some motor vehicles are deliberately ignoring that responsibility,” saad ni Asec Mendoza.
“Hindi po souvenir items and mga plaka, dapat ikabit po ito sa ating mga motorsiklo at mga sasakyan as soon as na-release na ito ng mga car dealers at the LTO. Meron pong penalty kapag hindi po ito nasunod ayon sa batas,” dagdag pa niya. Tinutukoy niya ang Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code of the Philippines, kung saan may P5,000 na multa para sa mga may-ari ng sasakyan na hindi nakakabit o mali ang pagkakabit ng kanilang plaka.
Ayon kay Asec Mendoza, bagaman mayroong problema sa mga plaka simula noong 2014, binigyang-diin niya na matagal nang naresolba ang backlog para sa mga four-wheel na sasakyan.
Inaasahang matatapos na ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo sa o bago ang Hulyo ng taong ito.
“Meron po kaming database ng mga palakng na-release na at magbabayad po kayo ng P5,000 na penalty kapag napatunayan na tinamad or talagang wala kayong balak na ikabit ang mga plakang na-release na sa inyo,” sambit pa niya.
Larawan mula sa GMA Network
More Stories
BARBERS: PAGDINIG SA FAKE NEWS, HINDI PANINIIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG
14 PINOY, 6 KOREANO NASAKOTE SA POGO, SCAM OPERATIONS SA PASAY
KRIMEN SA MM BUMABA – NCRPO