Isang bagong unit ng ambulansiya ang ipinagkaloob ng Pitmaster Foundation Inc. para sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.
Si Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, ang personal na nag-turn over ng ambulansiya sa nasabing ospital.
Sa mensahe na ibinigay ni Atty. Cruz, ito ay isang katuparan sa pangako ng Pitmaster na mabigyan ng ambulansiya ang bawat bayan o siyudad sa buong Pilipinas upang maihatid ang serbisyo sa mga kababayang Pilipino sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Ang turn-over ceremony ay ginanap noong Miyerkules, Mayo 12, 2021, na dinaluhan ni President and CEO Asian Hospital and Medical Center Andres M. Licaros Jr.
Malugod namang tinanggap at nagpasalamat si Licaros para sa bagong ambulansiya na ipinagkaloob ng Pitmaster sa kanilang ospital.
Ayon kay Licaros, napakalaki umano ang maitutulong nito bilang pagtugon sa serbisyo medical para sa ating mga kababayang Pilipino.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM