SUPORTADO ng Pitmaster foundation Inc. ang “Serbisyong Tama Caravan sa Barangay” o “PNP Barangayanihan” ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa katunayan, personal na inabot ni Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, kay NCRPO chief PMGen. Vicente Danao Jr ang aabot sa 3,000 health kits at 2000 food packs na nagkakahalaga ng P1.1 milyon.
Ayon kay Atty Cruz, ang Barangayanihan project ng Philippine National Police sa buong bansa kaisa ang NCRPO ay mahalaga sa panahong ito lalo na’t marami sa ating kababayan ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa resulta ng coronavirus disease (2019) pandemic.
Labis namang nagpapasalamat si Gen. Danao sa Pitmaster sa ibinigay na suporta nito sa programa NCRPO na maganda ang layunin para mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)