NAMAHAGI ng isang ambulansiya ang Pitmaster Foundation Inc. sa Bicol Training and Teaching Hospital (BRRTH) sa Legazpi City, Albay.

Pinangunahan ni Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, ang blessing at ceremonial turnover rites ng nasabing ambulance unit.
Ito umano ay para mapaghusay ang pagbibigay ng emergency health service sa publiko.
Marami ng ambulansiya ang nai-donate ng Pitmaster sa iba’t ibang ospital sa bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya at hakbang kontra COVID-19.
Dumalo rin sa nasabing seremonya si Albay Rep. Joey Salceda.
More Stories
PCCI sa Bagong Kongreso: Itulak ang Reporma Para sa Mas Malakas na Ekonomiya
PTFOMS naalarma sa panggigipit sa media sa 2025 mid-term elections
EcoWaste Coalition Nanguna sa Post-Election Clean-Up