Ilan daang ambulansiya at iba pang mga pangangailangan ng ating mga kababayan ang naipamahagi ng Pitmaster Foundation sa gitna ng patuloy na pananalasa ng pandemic.
Sa ngayon ay nakapag-donate na ito ng 137 ambulansiya sa mga benepisyaryo na lokal na pamahalaan at nakapagbigay ng limang milyong facemask at freezer habang inasistehan ang vaccination ng 9,000 katao.
Sa ilalim ng chairman nito na si Charlie ‘Atong’ Ang at Executive Director Atty. Caroline M Cruz, naisakatuparan nito sa kanilang unang aniberasaryo ang pangakong mabigyan ng ambulansiya ang bawat lalawigan.
Dahil sa malakas na koneksyon nito sa communities at institutional partners, naabot ng Pitmaster ang libo-libong mahihirap na Filipino mula Luzon hanggang Mindanao.
Natulungan ng foundation ang halos 13,000 Filipino para sa kanilang dialysis treatment.
Ito ay bukod pa sa ipinamahagi ng foundation na food assistance sa 350,000 pamilyang Filipino nitong mga nagdaang COVID-19 pandemic lockdowns.
Sinuportahan din ng foundation ang vaccination campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng nationwod raffle para sa mga bakunadong mga indibidwal, na may mga papremyo na nagkakahalaga ng P20 milyon.
Nakapagbigay din ang Pitmaster Foundation, ng halos 30 milyon na financial assistance sa mga tricycle drivers at iba pang displaced persons at nakapaglaan din ng mga kagamitan sa ating kapulisan para tulungan ang law enforcement.
Higit pa riyan, sinuporthan din ng Pitmaster ang indigenous peoples sa pamamagitan ng pagbibigay ng 6,300 wheelcharis sa persons with disabilities at muling nagtanim ng mga halaman at puno sa mga kabundukan ng lalawigan ng Quezon at Laguna.
Matapos ang isang taoon ng pagseserbisyo, layon na ngayon ng Pitmaster na makipagtulungan sa pamahalaan, civil society at iba pang partners upang maisakatuparan ang misyon nito na direktang maipabot ang tulong sa mga Filipino na higit na nangangailangan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY