Sa oras ng panganngailangan, ang Pitmaster Foundation ay maaasahan. Lalo na sa agarang pag-ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad. Sapagkat batid ng foundation ang sitwasyon ng mga kawawa nating mga kababayan.
Tinatayang nasa 100,000 kataong naapektuhan ng bagyong Odette ang nakatanggap ng essential goods mula sa Pitmaster Foundation.
Pinangunahan ni Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng PF ang pamamahagi ng relief goods katuwang ang Philippine Navy sa Cebu Province, Cebu City, Siargao, Southern Leyte at iba pang pook sa Mindanao. Kaya naman ay natuwa ang ating mga kababayang nakatanggap ng goods. Na kahit papaano’y may maipantatawid na sila ngayong matatapos na ang taon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA