November 18, 2024

PITMASTER FOUNDATION, HAKOT-PARANGAL SA ASIA AWARDS

MAG-UUWI ang Pitmaster Foundation ng apat na pagkilala sa Asia Awards ngayon taon.

Kabilang sa iginawad ng award-giving body ang Pitmaster Foundation ang “Asia’s Non-Governmental Organizations Leadership Award,” “Asia’s Best Corporate Social Responsibility Practices” at “Asia Award for Most Promising Service in NGO”.

Nasungkit din ni Pitmaster Foundation executive director Atty. Caroline Cruz ang “Asia’s Outstanding Executive Director Award” sa Asia Awards ngayong taon. “We are truly humbled and honored by these awards. These are valuable recognitions of Pitmaster’s efforts to be a force for good for the country, as we continue with our nation-building efforts amid and despite the pandemic,” saad ni Cruz

Simula 2020, nakapag-donate ang Pitmaster Foundation ng halos P1 bilyon bilang tulong sa dialysis at COVID-19, kabilang na ang donasyon na 31,000 doses ng bakuna, 161 ambulansiya, 272,000 antigen test kits, salaries para sa mga frontliners at vaccine freezers.

Upang makatulong na matagunan ang nakakaarma na krisis sa kalamidad, sinuportahan din ng Pitmaster ang environmental rehabilitation efforts sa Siniloan, Laguna at Real, Quezon.

Nag-sponsor din kamakailan lang ang Pitmaster Foundation ang National Climate and Disaster Emergency Policy Forum sa Pilipinas, na layong na makipagpalitan ng ideya kung papaano magkasama tutugunan ng public at private sector ang climate issues sa pamamagitan ng productive collaborations and policy proposals.

Ang Asiwa Awards, na inihandog ng RULA Awards, ay nagbibigay-parangal sa mga organisasyon at lider sa rehiyon  na naging matagumpay ang programa pagdating sa pagseserbisyo sa mga stakeholder at mga makabagong solusyon sa social at economic issues at challenges.

Gaganapin ngayong taon ang Asia Awards sa Courtyard ng Marriott Madurai, India sa Enero 26, 2023.

Nitong Nobyembre ngayong taon, nanalo ng bronze ang Pitmaster Foundation para sa “Most Valuable Non-Profit Response” sa ilalim ng COVID-19 Response category sa ginanap na 2022 Stevie Awards sa Cesars Palace sa Las Vegas, USA, na kinilala ang pagsisikap nito para tulungan ang komunidad sa kasagsagan ng pandemya.