
Binisita ng Pitmaster Foundation ang Bureau of Corrections (BuCor) kamakailan.Kung saan pinangunahan ni Atty. Caroline Cruz ang pagtu-turnover ng susi ng ibinigay na ambulansiya sa Directorate for Health Welfare Service ng bilibid upang magamit para madaliang serbisyong medikal ng bilibid. Ito’y bilang bahagi ng advocacy na ‘Pitmaster Cares’.

Tanda rin ito ng kawanggawa at pagmamahal ng foundation sa mga kapakanang pangkalusugan ng Kawanihan ng mga Bilangguan. Bilang kapalit, nagkaloob naman ang BuCor sa foundation ng portrait painting mula sa mga preso. Kung saan, subject ang isdang koi sa nasabing ipinagkaloob na obra.


More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon