
WALANG naramdamang bitterness ng talunin siya ni Cedrick Juan sa best actor category, sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023. Dahil nakasama niya ito sa Gomburza movie, madalas ay lagi niya itong kasama sa mga scenes sa nasabing pelikula.
Ayon sa actor, “All my scenes in GomBurZa were with him. I even messaged him, I was really happy for him,” sabi pa ni Papa P. At masaya ang actor dahil deserving naman daw na manalo si Cedrick, dahil mahusay naman daw niyang nagampanan ang role na inatang sa kanya.
“Para ho kay Piolo mas gusto niyang makuha iyong Box-office, na nakuha naman nila at malaking tulong iyon sa mga producer para makapag produce agad. “‘Yung reward ng acting para sa kanya is given, hindi naman daw hinihingi iyon. Masaya naman si Papa P., kapag nakakarinig na may nagsasabi na siya ang dapat nanalo. Para sa kanya kahit hindi siya ang nanalo ay, that’s enough validation para sa kanya,” pahayag pa ng aking source.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay