Isa ngayon ang lalawigan ng Laguna sa mga lugar na may pinakamababang kaso ng COVID-19 at pinakamataas na COVID-19 recovery na nasa 91%.
Ito’y matapos kilalanin ang Laguna bilang isa sa COVID-19 hotspots sa mga nagdaang buwan.
Kaya naman sa Pagdalaw sa Laguna: “Explain, Explain, Explain” conference noong Miyerkoles, pinuri ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang taumpay ng Laguna sa COVID-19.
Layon ng nasabing conference na mapalapit ang publiko sa mga programa at serbisyo ng gobyerno sa gitna ng pandemya at makapagbigay ng updates sa sitwasyon ng COVID-19 sa lokalidad.
“Kailangan po natin maipakita sa buong Pilipinas kung gaano po kagaling ang Laguna na maresolba ang kaso ng COVID-19. We need to inspire yung iba pang probinsya sa labas ng Laguna at maipakita kung paano nagkakaisa ang LGUs dito. We should show the entire Philippines how united we are laban sa COVID-19,” saad niya.
“But more than anything, it is really to send the symbol of hope, symbol of a united front and also para maipakita natin na mayroong mga ehemplo na pwedeng tularan ng iba pang lalawigan sa buong Pilipinas,” dagdag pa nito.
Nitong nakaraang mga buwan, naitala ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Matatandaan na itinalaga si Secretary Andanar bilang “Big Brother” ng anti-COVID coordination sa Laguna.
Nitong Nobyembre 3, nakapagtala ang Laguna ng 15,300 na kaso ng coronavirus, kung saan 1,063 dito ay aktibo.
Habang 13,925 naman ang nakarekober at 312 ang nasawi.
Tiniyak naman ni Andanar na maliban sa COVID-19 ay sinisiguro rin ng pamahalaan ang pagtulong at pagresponde nito sa mga biktima ng bagyo.
“Sa gitna ng unos, naniniwala kami na ang involved public is an informed public. Kaya kami sa Presidential Communications Operations Office at aming attached agencies ay walang tigil at walang kapaguran sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga responses, actions, at programs ng administrasyong Duterte para mabawasan ang epekto ng COVID-19 at ng maiwasan ang mga di inaasahang sakuna mula sa mga bagyo at iba pang mga kalamidad,” saad niya.
Present din sa nasabing conference sina Department of Health (DOH) Director Beverly Ho, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Director Irene Dumlao, Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Arriola, Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roldan Gorgonio, Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, Small Business Corporation (SBCorp.) Strategy for Policy and Systems Sector Officer-in-Charge (OIC) Josefina Flores, at Regional Task Force Against COVID-19.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?