
Kabuuang P600,000 ang nakatayang papremyo sa syasyapol na Pintakasi 5-Stag Derby sa Setyembre 10 sa New Caloocan Cockpit Arena sa Caloocan City.
Sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Red Feder, inorganisa ng NCCA at ni Bam Luzong-Camina ang isang araw na Pintakasi ay isinasagawa bilang pagbibigay pugay kay Ka Lando Luzong, ang itinuturing na ‘Ama ng Philippine Sabong’ sa pamamahayag.
Sa halagang P8,000 bilang minimum bet, nakalaan ang P300,000 para sa magiging kampeon sa fund-raising event na tumutulong sa programang Ka Luzong Memorial Medical Mission.
Kaakibat din sa programa ang Sabong Nation at Chicken Talk. Para sa mga interesadong kalahok, makipag-ugnayan kay Bam Luzong sa mobile no. 0917-111-0620 at kay ER sa 0917-705-1325.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
‘TOL’ Tolentino Nagpugay sa 22-Medal Haul ng PH Kickboxing Team na Sumabak sa Bangkok World Cup
MGA NAGING TAGUMPAY NG 550th AIR BASE GROUP SA BUWAN NGMARSO 2025