
KAMBAL na nagbabagang engkwentro ang matutunghayan ngayong hapon sa unang handog ng Catałan Fìghting System sa taong 2025.
Ayon kay CFS head Rene Catalan ng PEC, tatampukan ang kampeonato ng 37th PEC Search for more Filipino heroes nina Pinoy Washita ng Team Brew Brothers kontra Mexican Sanchez Super Fight ng Team Still Waters BJJ.
Magbabakbakan naman sa main event ng Sudokwan nina Philippine’s best bet Jimmy Balderas ng Team Eraser Brothers kontra Emmanuel Iseukpe ng Team Nigerian / Trex MMA.

“Ito ang unang handog natin sa MMA enthusiasts ngayong taong 2025. Masusubukan ng mga dayuhang MMAers ang talento, tapang at tikas ng Pinoy fighters sa pagpapatuloy ng ating pagdiskubre ng bagong bayaning Pilipinong mandirigma sa lona,” pahayag ni dating Doha Asian Games wushu gold medalist at pinuno ng Catalan Fighting System (CFS) na nasa Yague St., Tejeros Makati, City.
Magsisimula ang dalawang super- encuentro pagkatapos ng pormal na pambungad seremonya ika-3:00 ng hapon. (DANNY SIMON)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN