
MILAN, ITALY — Trahedya ang sinapit ng isang 61-anyos na Pinoy household worker matapos siyang mapatay sa isang nakakasindak na panloloob sa apartment ng kanyang among Israeli sa Parco Sempione, Milan nitong Sabado ng gabi!
Ayon sa Philippine Consulate General sa Milan, nakikiramay sila sa pamilya ng biktima at kinumpirma ang masaklap na pagkamatay ng ating kababayan. Sinakal hanggang mamatay ang biktima ng suspek na sapilitang pumasok sa bahay.
Agad namang naaresto ng mga pulis ang suspek sa mismong crime scene, ayon sa mga ulat.
Nagpaabot ng tulong at pakikiramay ang Konsulado sa mga naiwan ng biktima at tiniyak ang pakikipag-ugnayan sa pamilya para sa anumang pangangailangan, kabilang na ang repatriation o pag-uwi ng labi sa Pilipinas.
“Ipinapanalangin namin ang kanyang kaluluwa,” panawagan ng Konsulado sa Filipino community sa Milan.
More Stories
ALTERNERGY, TUMANGGAP NG ₱3.3-BILYON PARA SA WIND PROJECT SA QUEZON
CONSTRUCTION WORKER, BINITBIT MATAPOS TUTUKAN NG BARIL ANG MAY-ARI NG BAHAY SA NAVOTAS!
FARM HELPER, KALABOSO SA KASONG GAHASA