November 4, 2024

PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE

PUERTO PRINCESA – Dahil sa tagumpay ng Pilipinas bilang overall champion sa katatapos na ICF Dragon Boat World Championships dito, naglatag ng grandeng plano si Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation  president Leonora Escollante para mapalakas pang lalo ang  PH paddlers sa pagsabak sa  international na sagwanan..

“While I am proud of what we achieved at the worlds, I believe that there is still some room for improvement. May kulang pa. So that is what we will work on so that our paddlers can be more competitive in international competition,”wika ni  Escollante .

Bunga ng buwang intensibong pagsasanay at sigaw ng hometown crowd, naging marubdob ang determinasyon ng Pinoy paddlers na makopo ang overall honors sa makinang na 11 gold, 20 silver at  eight bronzes na naging  best finish sa naturang world meet na may basbas ng  International Canoe Federation.

Sumegunda lang ang  SEA regional power na Thailand  na may  eight golds, habang tersera lang ang  koponang Individual Neutral Athletes (Russians) ang tumersera na may six gold, three silver and three bronze medals. 

 “I believe our athletes can deliver more as they work on the areas they can improve on because the proper technique and execution is already there.

Among them is boosting their power and we can only do that with the proper nutrition and supplements. Of course, wala kang power kung wala kang tamang pagkain.” aniya pa kaugnay ng di matatawarang tagumpay sa  torneong suportado ng

  Philippine Sports Commission, Tingog party-list,  Puerto Princesa City government sa pamumuno ni  Mayor Lucilo Bayron at Lacoste watches.

“We practically have the same stroke and technique as our foreign rivals. We lack power lang  talaga. Nutrition is very important and yun malaking bagay na kulang sa atin,” sambit naman ni national coach Co “Malaking bagay if we can build muscle and  get more power in our strokes. Nakita ninyo po naman ang mga kalaban namin, especially from Europe, na tunay na malakas. (DANNY SIMON)