Itinanggi ng Malacañang ang kumakalat sa social media na hindi makatatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).
Inilabas ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos dagsain ng mga tao ang iba’t ibang vaccination sites sa National Capital Region (NCR) sa takot na hindi makatanggap ng ayuda o hindi payagang makalabas ng kanilang tahanan kapag inilagay na sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
“Wala pa po tayong kahit anong pagbabawal na ini-impose sa mga taong wala pang bakuna. Ang hinihingi natin, ngayong nandiyan na ang bakuna, magpabakuna na ang lahat,” saad ni Roque.
“Walang ring katotohanan na ire-require natin ang bakuna para sa ayuda. Lahat po ng nangangailangan, mabibigyan ng ayuda, ‘di kayo hahanapan ng proof of vaccination,” dagdag niya.
Hindi rin naniniwala ang naturang opisyal ng Palasyo na natakot ang publiko sa naging banta ni Pangulong Duterte na hindi papayagang makalabas ng bahay ang mga hindi bakunado.
Dagdag niya na tamaan sana ng COVID-19 itong mga nagpapakalat ng fake news.
“Ang kumpirmado po eh meron talagang fake news na kumalat. As to whether or not sira ulo lang ito o deliberate para guluhin ang ating bayan, your guess is as good as mine. Pero I believe meron talagang loko-loko,” sambit ni Roque.
“Meron po talagang walang matinong ginagawa sa buhay nila. Ewan ko ba ho bakit hindi pa sila ma-COVID, no?”
Ilang larawan ang kumakalat ngayon sa social media ng kumpulan ng mga tao sa mga vaccination sites sa Metro Manila, partikular sa Maynila at Las Piñas at ilan sa kanila ay nagtiyagang pumila nitong Huwebes ng madaling araw – isang araw bago ilipat sa ECQ ang NCR.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY