MAKAKUKUHA ng kompensasyon ang sinumang Pinoy na magboboluntaryong sumalang sa COVID-19 vaccine clinical trials, ayon kay Secretary Fortunato dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST).
Inilabas ni Dela Peña ang anunsiyo isang araw matapos nitong sabihin na isasagawa ang clinical trials para sa COVID-19 vaccine sa Metro Manila, Calabarzon at Cebu.
“There will be a compensation para sa araw na hindi sila makakapagtrabaho [dahil bibigyan sila ng bakuna]. Two doses kasi iyon,” ani ni Dela Peña sa panayam sa Dobol B sa News TV.
“May kasama rin meal allowance… kung babiyahe pa sila, may transportation allowance. The IATF approved that there should be a harmonized amount,” dagdag pa niya.
Pag-uusapan pa kung magkano ang eksaktong presyo na ibibigay sa mga magboboluntaryo.
“There is no amount yet, because this will be discussed and approved by the IATF and our Ethics Research Board,” saad niya.
Umabot na sa 248,947 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na ito ay 186,058 ang nakarekober, habang 4,096 ang namatay.
Ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ay 58,823.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna