November 3, 2024

Pinoy na miyembro ng international online scam group, arestado sa Serbia

ARESTADO ng Serbian police ang 11 katao kabilang ang isang Pinoy dahil sa pagkakasangkot sa isang online scam na nakatangay ng mahigit sa $70 milyon nterior nitong Biyernes.

Nakakulong ngayon ang mga miyembro ng sindikato na mga taga-Australia, Montenegro, Pilipinas at Serbia dahil sa mga kaso sa paglikha, pag-promote at pag-organisa ng 16 fake investment platform.

Sila ay mga hinihinalang nanloloko ng mga investor mula sa iba’t ibang panig ng mundo na itinatabi ang nakukulimbat na pondo sa international bank accounts na konektado sa organisadong grupo, ayon sa Serbian police.

“After that, the group, on the order of the organisers, closed these fake investment platforms and after some time reopened new ones with the same practiced method,” ayon sa pahayag.

“There is a reasonable suspicion that the organizers and members of this group obtained illegal property worth more than $70 million,” dagdag pa ng Serbian police.

Pinangunahan ng Serbian Prosecutor’s office ang naturang imbestigasyon para sa organisadong krimen at ng US Federal Bureau of Investigation (FBI), nang matunugan ang scamming investor ng grupo sa Texas, at iba pa.