Inanunsiyo ni SEA Games champ Mark Striegl na nagpositibo siya sa COVID-19. Ito ang dahilan kung bakit naudlot ang pagsalang niya sa UFC.
Ipinagtapat ni MMA fighter ang kanyang kondisyon sa kanyang Facebook account. Pinasalamatan niya ang organisasyon sa suporta nito sa kanya.
“You can never be too careful these days. Thankfully, my symptoms are mild and I’m looking forward to bouncing back,” aniya.
Nakatakda sanang lumaban si Striegl kay fellow newcomer Timur Valiev sa undercard ng UFC Night.
Kung saan, main event sa laban ang Pedro Munhoz at Frankie Edgar sa UFC Apex sa Las Vegas, Nevada. Gayunman, lumabas ang ulat nooong Biyernes na binaklas siya sa undercard match.
Si Striegl ay nagwagi ng gold medal sa sambo noong 2019 SEA Games. Mayroon siyang pro-MMA record na 18-2.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2