
Abanse sina Pinoy cue masters Dennis Orcollo, Johann Chua, Rodrigo Geronimo at Carlo Biado sa 2021 US Open 9-Ball Championships. Nakaalpas ang apat na sargorista sa Round-of-16 na idinaos sa Harrah’s Resort sa Atlantic City sa New Jersey.
Sinargo ni Orcollo, reigning Southeast Asian Games champ si Oliver Szolnoki ng Hungaru sa men’s 10-ball, 11-7. Tinalo naman nina Chua at Biado ang kan ilang mga kalaban sa 9-ball doubles.
Dinaig ni Chua si Mieszko Fortunski ng Poland, 11-7. Habang si Biado ay nakasilat sa kababayang si Jef De Luna, 11-6. Ginapi rin nito si Jayson Shaw ng Scotland, 11-8.
Nakabawi naman si Geronimo mula sa pagkatalo kay Austrian Max Lechner, 2-11. Nilampaso nito si Neils Feijen, 11-6 ng Netherlands.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo